“I’m sorry, Dante! Please!” Idiniin ni Clara ang sarili niya sa likod ko, at mahigpit na niyakap niya ako. “I-I know I’m being unreasonable. It’s just that I love you too much, and I don’t want to lose this.” Umikot ako at hinarap siya. Namamaga ang mga mata niya sa kaiiyak, at nanginginig ang mga kamay niya nang dahan-dahan ko siyang hinawakan sa mga balikat. “Pero, Clara…” nag-alinlangan ako, mabigat sa bibig ko ang mga salita. “Hindi ko na sigurado kung kaya ko pang ituloy ito.”Mabilis siyang umiling.“Hindi. No, I’ll stop with all the nonsense, huwag mo lang akong iwan. Ikaw na lang ang natitira sa akin…” Lalo pang lumalim ang mga hikbi niya, at nakaramdam ako ng awa.Hindi masamang tao si Clara. Kalmado, at punong-puno ng dignidad, ang tipo ng babaeng naiisip kong makasama sa pagbuo ng kinabukasan.Pero may nagbago, at hindi ko na ito kayang balewalain pa. Kailangan kong siguruhin ang sarili ko. “Kailangan ko pa ng panahong mag-isip,” mahinahon kong sabi. “Sa ngayon, sa tingi
Last Updated : 2026-11-13 Read more