DanteHindi makatingin nang diretso sa akin si Clara habang magkaharap kaming nakaupo. Na-book na siya para sa kasong grand theft.Hindi basta-basta lang ang mga alahas ni Gazelle. Ayon sa mga resibo ni Maximus at sa appraisal ni Royal, nagkakahalaga ang mga iyon ng halos apatnapung libong dolyar, sapat na para maglabas agad ng warrant ang mga awtoridad.“Tulungan mo naman ako, Dante… naibalik naman na kay Gazelle ang mga alahas, ‘di ba? Kausapin mo naman siya para sa akin. Hindi ako puwedeng manatili rito,” pakiusap niya, basag ang boses sa desperasyon.“Pasensya na, Clara. Pero kailangan mong harapin ang mga consequences. Nagpasya si Gianna na hindi na magsampa ng kaso, pero hindi niyon mabubura ang lahat ng pagkakamali mo.”Hindi ko alam kung advantage kay Clara kung magreklamo man si Gianna o hindi, sigurado kasi na makukulong pa rin siya sa ibinigay na oras ng pulisya. Umagos ang luha ni Clara. “P-paano na ang kasal natin, Dante?” aniya. Sinalubong ko ang tingin niya, hindi a
Last Updated : 2026-11-21 Read more