Left hangingZayver/Calista POV"I'm not sure you're ready to know the answer," mahina niyang wika.Nanigas ang buong katawan ni Calista. Ang mga daliri niya ay dahan-dahang napahawak sa mesa."Ano'ng ibig mong sabihin?" mahina tanong ni Zayver.Hindi agad tumingin si Sister Helena kay Zayver. Sa halip, kay Calista ito tumingin. At doon tuluyang kumabog ang dibdib ni Calista."Miss Valencia..." Halos hindi siya makahinga."Five years ago..."Napatingin si Zayver sa kaniya. Ngunit bago pa matapos ni Sister Helena ang sasabihin, biglang bumukas ang pinto ng archive room.Isang nurse ang mabilis na pumasok. "Sister Helena!" humahagos na pumasok ito sa loob.Napalingon silang lahat."May tawag po para sa inyo," ngunit kinakabahan naman itong nagsalita."I'm busy," seryosong sagot niya."It's urgent, sister."Napapikit si Zayver sa inis. Of all the moments. Parang sinasadya ang pagkakataon.Tumayo si Sister Helena, ngunit bago ito tuluyang makalabas, lumingon ito sa kanila."Don't leave."
Huling Na-update : 2026-11-17 Magbasa pa