Cassie Question Third Pov Tinalikuran na siya ni Calista. Ngunit bago pa ito makalayo, nagsalita siyang muli. "Calista?" Napahinto siyang muli. "I never wanted you to be afraid of me. I want you to cooperate with me." Hindi siya agad sumagot. Pagkatapos, marahan siyang lumingon. "Maybe you didn't, Zayver. But you made it easy for me to be afraid of what you'd believe about me." Umalis siya nang hindi na naghihintay ng sagot. At naiwan si Zayver sa hardin, dala ang katotohanang hindi sapat ang pagmamahal kung wala itong kasamang tiwala. At kung galit siya dahil sa pagdududa niya, hindi niya iyon maiwasan lalo na't hindi pa confirmed. Alam niya na mali iyon magduda agad, pero nagawa na niya. Ang gagawin na lang niya ay mag-imbestiga at alamin ang katotohanan. ***** Kinagabihan, nasa dining room si Cassie at gumuguhit ng isang bagay sa likod ng placemat. Nang dumating si Zayver, agad siyang tumingala. "Hello po, Daddy," "Hey baby ko," lapit nito sa gawi ni Cassie sabay ha
Last Updated : 2026-10-20 Read more