LOGINAkala niya, ipinagpalit siya sa ibang lalaki. Believing he had been betrayed, Zayver Devereux buried his broken heart and became the coldest and most feared CEO in the country. What he never knew... Hindi siya iniwan ni Calista Valencia dahil nawala ang pagmamahal nito. She walked away to protect their unborn child after Zayver's powerful grandfather threatened both their lives. For five long years, mag-isa niyang pinalaki ang kanilang anak na babae, carrying every sacrifice in silence without asking for anything in return. Then fate stepped in. A wrong phone call from a bright, funny, and endlessly talkative little girl unexpectedly brought laughter back into Zayver's lonely life. The little girl innocently calls him... "Mister." Wala siyang ideya... Na ang lalaking kausap niya ay ang sarili niyang ama. As long-buried secrets begin to unravel and old wounds are forced open, Zayver must fight not only for the woman he never truly stopped loving, but also for the daughter he never knew existed. Because sometimes... The greatest betrayal is actually the greatest sacrifice. And when the truth is finally revealed... Will Zayver be able to win back the family he never knew he had... or will he lose them forever?
View MoreAng Kasinungalingan
Calista Pov Walang tigil ang malakas na ulan sa labas ng marangyang penthouse ni Zayver. Paminsan-minsan rin ay dumadagundong ang kulog sa kalangitan. Ngunit mas mabagsik pa ang unos na nagngangalit sa dibdib ni Zayver Devereux. Nakatitig lamang siya sa akin habang nakatayo ako sa kanyang harapan. Pilit kong pinapatatag ang sarili ko. Alam ko ang nasa isip niya sa mga oras na ito. 'Ang babaeng mahal ko. Ang babaeng pinangarap kong pakasalan. Ang babaeng binago ang buhay ko. I can't let her go, I love her.' Ganito palagi ang sinasabi niya sa akin kapag naglalambing ito. Sa kanya ko rin ibinigay ang sarili ko ng buo. I love him too so much. But I need to do this. I need to hurt him. Nakatayo ako malapit sa pinto, pilit itinatago ang panginginig ng aking mga kamay habang nagbabadyang tumulo ang aking mga luha. Hindi kaya ng dibdib ko na makitang masasaktan ko siya ng sobra. Pero hindi ako maaaring umiyak ngayon. Hindi pwede sa harap ni Zayver. Dahil kapag umiyak ako, mababasag siya. At kapag nabasag ko siya, hindi ko na magagawang umalis pa. "Zayver..." halos pabulong kong tawag. Inangat ni Zayver ang tingin mula sa engagement ring na nasa loob ng maliit na kahon na balot ng pelus. Nasasaktan ako ng makita ko ang hawak niyang kahon. Nabanggit sa akin ng sekretarya nito na magpropose na daw siya ng kasal sa akin. Pero secret lang daw, baka masesante siya dahil sa excitement nitong makasal kaming dalawa, kaya nasabi niya agad sa akin. Kumunot ang noo ni Zayver ng makita niyang maputla ang mukha ko dahil sa kaalamang magpropose na pala pero sasaktan ko naman siya. "Anong problema, Hone?" Parang nadudurog ang puso ko ng tumingin ako sa kanya. Ayoko siyang saktan, pero alang-alang sa ipinagbubuntis ko, kakayanin ko ang sakit. Namumuo na ang luha sa aking mga mata. Gusto kong tumakbo papunta sa kanya. Gusto ko siyang yakapin nang napakahigpit. Gusto kong magsumbong at sabihin ang lahat sa kanya. Ang tungkol sa mga pagbabanta ng lolo nito sa akin. Tungkol sa batang dinadala ko sa aking sinapupunan. Lalo na ang dahilan kung bakit kailangan kong mawala sa buhay nito. Ngunit hindi ko magawa. Hindi ko kaya. Nasasaktan ako ng sobra. Pero muling umalingawngaw sa aking isip ang malamig na babala ni Chairman Augustus Devereux, sa akin. "Layuan mo ang apo ko. Kapag hindi... Hindi mo na makikitang buhay ang anak mo. Kahit ikaw, mawawala na rin sa mundong ito!" Nanginig ang aking dibdib sa takot. Ibinaba ko ang aking paningin. Pilit kong pinapatatag ang sarili at pinilit bigkasin ang mga salitang sisira sa aming dalawa. "Maghiwalay na tayo." Biglang bumalot ang katahimikan sa paligid. Parang nagyelo ang buong silid sa sinabi ko. Mas nanigas pa ako kesa kay Zayver. Napatitig si Zayver sa akin na hindi makapaniwala sa narinig. "Ano'ng sinabi mo?" Halos hindi na lumabas sa bibig nito ang tanong sa akin. Bumaon ang mga kuko ko sa aking palad para hindi mahalata ang panginginig ng mga kamay ko. "Tapusin na natin ito," matatag kong sabi. Pero hindi niya alam na parang kutsilyong paulit-ulit na tumarak sa aking puso ang bawat salitang lumabas sa aking bibig. Ilang segundo ang lumipas, hindi gumalaw si Zayver. Hindi man lang kumurap. O kahit huminga man lang. Hindi niya siguro maproseso ang sinabi ko. Pagkatapos ay bigla siyang natawa. Maikli lang at medyo mapait. Pero nakakatakot ang tunog ng tawa niya. Kinilabutan ako. "Tigilan mo ang pagbibiro, Cali." Naramdaman ko ang paghapdi ng aking mga mata. Lihim akong napalunok dahil nakakatakot siyang tignan pero kaya ko 'to. "Seryoso ako," pina-seryoso ko ang boses ko kahit muntik na akong pumiyok. Kahit sobrang sakit na. Nawala ang ngiti sa mukha ni Zayver nag-iba ang timpla ng mukha niya. "B-Bakit, ano'ng nangyari?" Halos hindi ko marinig ang sinabi niya. 'Wala!' sigaw ng utak ko. 'Ang lolo mo ang dahilan kung bakit nangyari ito. Ang anak natin ang dahilan kung bakit kailangan kong gawin ito.' Ngunit hindi ko maaaring sabihin iyon sa kanya. Baka kung ano ang gawin ng Lolo nito sa akin at sa anak ko. Kailangan kong magsakripisyo alang-alang sa anak namin ni Zayver, kahit ito pa ang ikakasira ko. Kahit ako pa ang magmukhang masama sa paningin ni Zayver at manloloko. Tatanggapin ko ang lahat ng sakit at galit nito kahit hindi ko deserve. Kaya ginawa ko ang pinakamalupit na bagay na hindi ko akalain na kaya kong gawin. Ang titigan ko ito nang diretso sa mga mata at magsinungaling. "May iba na akong mahal." Parang putok ng baril ang epekto ng aking sinabi. Thank God dahil hindi ako pumiyok sa sinabi ko. Natigilan si Zayver kita ko ang bumalatay na sakit sa kanyang mga mata na hindi na niya naitago pa. Kasabay noon ang malakas na pagdagundong ng kulog sa kalangitan. Nakita ko ang paghigpit ng kanyang mga panga at pagdilim ng kanyang mga mata. "Ano?" Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Parang tumigil ang tibok ng puso ko. Habang sinasaktan ko siya ng kasinungalingan, mas nadudurog naman ang puso ko. 'I'm sorry big time, Zayver!' sigaw ng utak ko. "Hindi na kita mahal." Mahinang ulit ko. Masakit na masakit ang bawat salitang binibitawan ko. Gusto ko nang mag-walk out at maglupasay na lang ng iyak at magmokmok. Dahil unti-unti kong pinapatay ang sarili kong mga kasinungalingan. Ngunit ipinagpatuloy ko pa rin. Dahil wala akong pagpipilian kundi ang magsinungaling para sa kaligtasan ng ipinagbubuntis ko. "Mas mabibigyan niya ako ng magandang kinabukasan." Sa sandaling lumabas ang mga salitang iyon, nagbago ang mukha ni Zayver. Unti-unting lumamig ang kanyang mga mata. Mas malamig pa iyon kaysa sa lagi niyang ginagamit kapag nasa kompanya siya. Kumabog ang dibdib ko sa takot. Hindi ko mapigilan ang manginig. "Mas magandang kinabukasan?" Naningkit ang kanyang mga mata. Hindi ako nakasagot dahil alam kong nakakainsulto ang sinabi ko sa kanya. Billionaire siya at CEO sa isa sa pinakamalaking kumpanya dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Tapos sasabihin kong mas mabigyan niya ako ng magandang kinabukasan kesa sa kanya. Malaking insulto iyon kay Zayver.Asking So Many Things Zayver POV "Anong trabaho mo?" mahinahon na tanong ko. Napatingin si Calista sa gawi ko. Parang ayaw niyang magsalita o sagutin ang tanong ko. Hindi ko alam kung nahihiya siya sa sitwasyon niya o ayaw lang niyang magkwento. "Kung saan-saan ka ba nagtatrabaho? O, sideline lang ba ang trabaho mo?" tanong ko nang hindi ko na mahintay na magsalita siya. Saglit siyang nag-atubili, kalaunan ay nagsalita rin siya. Kahit pa atubili siyang sumagot. "Kung ano ang available, gina-grab ko na ang offer na trabaho basta kaya ko at marangal," mahina niyang sagot. "Like what work?" usisa ko pa. "Nagbebenta ako ng pastries," tipid na sagot nito. "Tapos? Ano pa?" "Nagsa-sideline rin ako gaya ng naghuhugas sa kalenderya habang hinihintay ang uwian ng anak ko sa paaralan. Kung may kailangan ng tutor, nagtu-tutor ako," sagot rin niya. Napakunot-noo ako sa sagot niya sa akin. Ganito na ba ang buhay niya simula noong nagkahiwalay kami? "At kapag walang customer
The House She Calls Home Zayver POV Humina ang takbo ng sasakyan hanggang sa tuluyan itong huminto sa isang makitid na kalsada. Tumingin ako sa paligid. Wala na ang matataas na gusali at maaliwalas na kapaligiran. Wala na rin ang mga mamahaling restaurant at boutique na karaniwang nakikita ko sa lugar na karaniwan kong ginagalawan. Sa halip, maliliit na bahay ang magkakatabing nakatayo ang tumambad sa akin. May mga batang naglalaro sa gilid ng kalsada kahit umuulan. At sa isang sulok, may maliit na tindahan na puno ng mga de-latang pagkain at kendi. Ito na siguro ang sinasabi ni Cassie na paborito niyang tindahan dito. Tindahan ni Aleng Nena. Tahimik akong tumingin sa kanya at nagtanong. "Sigurado ka bang dito kayo nakatira ng bata?" Paniniguro ko pa. Kasi hindi ako naniniwala na dito sila nakatira sa lugar na ganito. Parang hindi safe dito para sa kanilang dalawa. Pero mahinang tumango si Calista. Hindi pa rin ako kumbinsido sa kanya. Pakiramdam ko nagsisinungaling siya. "
The Ride HomeThird POVTahimik na isinara ni Marco ang pinto ng sasakyan. Pagkasara, ay mabilis na siyang pumunta sa kabila para makapasok na rin siya agad.Nagsimula nang umandar ang sasakyan. Agad rin na sumilip si Cassie sa bintana. First time niyang sumakay ng kotse kaya tuwang-tuwa ang bata. Kahit kasi pang-taxi nilang mag-ina ay hindi niya afford."Wow... Mister, parang spaceship ang kotse mo. Ang ganda po," masayang sigaw ni Cassie.Napangiti si Zayver. Basta para sa bata, madali na lang siyang napapangiti. Kahit simpleng salita lang ng bata."Spaceship agad? Hindi ba pwedeng maganda lang?""Ang dami po kasing pindutan.""Mga button lang 'yan, maliit. Hindi spaceship kasi hindi ka pa naman nakakapasok sa loob ng spaceship," saad nito."Kung ayaw mo ng spaceship, cellphone na lang. Magic button," tawa ng bata. Pati si Zayver, tumawa rin sa kakulitan ng bata.Tahimik lang na nakaupo si Calista sa kabilang side. Gaya kanina, hindi siya nakiki-join sa usapan nilang dalawa ng anak
I'll Take You Home Calista POV Tahimik ang parke. Halos boses lang ng anak ko ang naririnig. Unti-unti na ring nagsiuwian ang mga tao. Pero ako, hindi pa rin talaga ako halos hindi makapaniwala na muli kaming magkikita matapos ang limang taon. Tanging si Cassie lang ang walang kaalam-alam sa bigat ng katahimikan sa paligid. Masaya itong nakayakap sa teddy bear. "Mister!" "Hmm?" "Ang saya ko po ngayon." Halata naman sa boses ng anak ko na masaya talaga siya. At aaminin kong masaya rin ako para sa kanya. Kahit ako, pakiramdam ko buo na ang pagkatao ng anak ko. Buo na ang pamilya niya ng hindi niya nalalaman. Nakita kong napangiti si Zayver. Ang ngiting kay tagal ko ng hindi nakita. "Bakit?" "Kasi naging friends na kayo ni Mommy ko at nagkita na rin po kayong dalawa sa wakas. Very masaya na ako," masiglang sagot ni Cassie. Napatingin si Zayver sa akin. Pero hindi ako tumingin pabalik sa kanya. Nanatili lang akong nakatingin sa ibang direksyon. Hindi ko pa kaya n






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore