New Rules Third Pov Pagdating ni Calista sa silid ni Cassie, nakita niyang nakaupo ang bata sa sahig, abala sa pagdidikit ng mga papel. "Anak, anong ginagawa mo?" "Gumagawa ako ng family rules, Mommy," sabi nito ng hindi tumitingin sa kanya. Pinakita ni Cassie ang papel na may malalaking letra. *RULE #1: NO LYING.* *RULE #2: NO FIGHTING.* *RULE #3: IF SOMEONE IS SAD, ASK WHY.* Napangiti si Calista kahit mabigat pa rin ang pakiramdam niya. Heto na naman siya may mga rules na naman. "Bakit may Rule Number Three?" tanong niya. "Kasi minsan, Mommy, galit ang tao pero malungkot pala talaga sila," mahinang sabi ni Cassie. Napaupo si Calista sa tabi niya. Hinaplos nito ang ulo ng anak. "Ang talino naman ng anak ko." "Mana sa'yo, Mommy." Natawa siya nang mahina. "Akala ko ba mana ka kay Daddy? Bakit biglang naging mana ka na sa akin?" ngiti niya sa anak. Nag-isip si Cassie, sabay ngiti niya. "Mana sa inyong dalawa ni Daddy. Pero mas cute ako sa inyo," hagi
Last Updated : 2026-10-18 Read more