The Man Mommy Hates Calista Pov Tahimik na ang maliit na apartment namin dahil sa malakas na ulan na patapos na sa labas ngayon. Habang nagluluto ako ng simpleng itlog at fried rice, abala naman si Cassie sa pagguhit sa sala. Hinayaan ko na lang muna ito dahil pagod na ang labi ko sa kasasalita. Makalipas ang ilang minuto ay lumapit ito sa akin. Naboboring na naman siguro sa ginagawa niyang pagkukulay sa book niya. "Hummmm yummy... Ang bango po talaga ng itlog at fried rice. Mukha pong mas masarap ito kesa sa huli na luto mo po, Mommy," bungisngis nito. "Ang sabihin mo, nagugutom ka na, anak. Kunwari ka pa, tse." Sabay pingot kong natatawa sa kanya. Humagikhik rin ito sa ginawa ko. "Mommy." "Yes, baby ko?" Sabay tingin ko sa kanya. "Huwag ka po sanang magagalit, ha?" Tumitig pa ito sa akin para makasigurado kung magagalit ako o hindi. Napangiti na lang ako sa batang ito. Takot lang nito na magalit ako ng sobra sa kanya. "Depende sa itatanong mo, anak." "Promise
Last Updated : 2026-06-30 Read more