Kulitan 🩵 Third Pov Makalipas ang ilang minuto, dumating si Zayver sa maliit na bahay ng mag-ina. Bago pa siya makalapit sa gate nila, ay bumukas na ang pintuan. Si Cassie agad ang sumalubong palapit sa gate. Masayang-masaya ang mukha nang makita siya. "Mister! Wow, talagang dumating ka po!" masayang sigaw niya. Tumakbo na ito papunta sa kanya. "Pero ang tagal mo! Namuti na ang muta ko, wala ka pa," parang matandang sita niya kay Zayver. "Fifteen minutes lang naman." "Parang fifteen years po ang tagal sa paghihintay. Hay naku!" halukipkip pa ng bata. Napatawa si Zayver at ginulo ang buhok ng bata. Bago siya pumasok sa loob ng gate, kahit hindi pa sinasabi ng bata na pumasok na siya. "Fifteen years talaga? Ang ikli naman, hindi mo pa ginawang twenty years." Sabay pa silang tumawa ng bata. Bago siya nito hinila papasok sa loob ng bahay. "Tama na po ang fifteen years, tumatawad ka pa eh," tawa ng bata. "Grabe ka talaga. Ganyan na ang bungad mo sa akin. Dapat bumat
Last Updated : 2026-08-13 Read more