ZYLA SANDRA SARCOVAHinila ko si Alex palabas habang pinipigilan ang mga luha.Oo, naiiyak ako. Kasi, kahit galit ako… umaasa pa rin akong susunod si Zadrick at aaluin ako.Pero wala…Hanggang sa makalabas kami ng ospital, walang Zadrick na humabol.Napatakip ako ng bibig. Kahit anong pigil ko, tuluyan pa ring bumuhos ang luha ko.“Are you okay, Zy?” mahinahong tanong ni Alex sabay haplos sa likod ko.“Hindi…” Gusto kong isigaw ’yon. Kaya lang, hagulgol lang ang nagawa ko.Ang sakit, eh!Handang-handa akong ipagtanggol ang sarili kanina, handa akong burahin ang kaplastikan sa mukha ni Bianca.Pero dahil sa pananahimik ni Zadrick na para bang hinatulan na niya ako, nawala ang tapang ko.Pakiramdam ko, walang silbi kung isasampal ko sa pagmumukha nila ang totoong nangyari. Nando’n nga si Bianca. Tiyak na hindi siya ang magpapatalo… at ako ang lalabas na desperadong kontrabida.“Zy…” Mas naging malumanay pa ang boses ni Alex. Namumula rin ang mga mata niya, pero halatang galit.“Bakit hi
Last Updated : 2026-09-17 Read more