ZAILYNMuntik nang magdikit ang mga labi namin.Pero sa huling sandali, may naalala ako.Hindi pa kami.Hindi pa nga niya ako girlfriend, at heto ako, hinahayaan siyang halikan ako.Pinihit ko ang ulo ko kaya sa pisngi ko tumama ang halik niya. Agad akong bumangon.“Matutulog na ako,” mabilis kong sabi bago tuluyang tumalikod.Hindi na ako lumingon habang nagmamadaling pumasok sa kuwarto. Muntik pa akong mapasubsob sa pagmamadali.Hindi sumagot si Nicolo, pero narinig ko ang mahina niyang tawa.Parang tuwang-tuwa pa siya sa naging reaksiyon ko!“Oh, God, Zailyn! Ano na naman ‘yon…”Napahawak ako sa dibdib ko pagkapasok sa kuwarto. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang kabilis ang tibok ng puso ko. Isang halik lang naman sa pisngi, pero parang kung ano na ang nangyari sa akin.Pabagsak akong humiga sa kama. Wala akong ibang ginawa kundi ang tumitig sa mga butiki sa kisame.“Matulog ka na, Zailyn, kung ayaw mong magmukhang zombie bukas.”Pero…Mangkukulam yata 'yon si Nicolo. Kasi mukh
Last Updated : 2026-11-07 Read more