Home / Romance / Mommy Hates My Daddy CEO / CHAPTER 123—Paano Si Zadrick?

Share

CHAPTER 123—Paano Si Zadrick?

Author: sweetjelly
last update publish date: 2026-09-19 00:18:38
ZYLA SANDRA SARCOVA

Sumama ako sa presinto kasama ang mga pulis.

Pero bago kami tuluyang umalis, tinawagan ko si Alex. Samantala, pinapunta ko naman si Mara sa hotel para bantayan si Zailyn.

Habang sakay ako sa police car, ilang beses akong napapailing.

Ang laking abala ’to. Aalis na nga kami, eh…

Iyon na ang plano. Pero heto ako ngayon, sakay sa police car papuntang presinto.

Hindi ko puwedeng balewalain ang nangyari. Kasi puwedeng makasira ito sa pangalan ko.

Pagdating namin sa presinto, kaaga
sweetjelly

Isa muna ngayon...

| 6
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
LunaElisseo
waiting for updated..excited na much
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 6: The Bed Is Off-Limits

    ZAILYN“Zailyn, wake up…”Malumanay na boses ni Monette ang pumukaw sa akin.Antok na antok pa ako, pero pinilit kong imulat ang mga mata ko.“Nandito na tayo…”Kinusot ko ang mga mata ko at napatingin sa building ng apartment ko. Pero imbes na bumaba, muli kong ipinikit ang mga mata ko.Kasi, gusali pa nga lang ang nakikita ko ngayon, naiiyak na ako. Paano kung nasa loob na ako? Paano kung nakahiga na ako sa kamang ginamit ni Clark at ng makating babaeng iyon?Baka lamunin na naman ako ng sakit.“Zai… halika na.”Bahagya akong hinila ni Monette, pero nagmatigas ako at paulit-ulit na umiling.“Nakakahiya na kay Mr. Nicolo,” pabulong niyang sabi habang nakatingin sa driver's seat.Napatingin din ako. Tahimik lang si Nicolo, pero nahuli kong nakatingin siya sa rearview mirror na para bang hinihintay kung kailan ako bababa.Napalabi ako. Kasi, tama si Monette. Ang laking abala ko na sa kanya.Kaya kahit masakit ang ulo ko at parang umiikot pa rin ang mundo, pinilit kong kumilos.Kaagad n

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 5 — The Man Everyone Fears

    ZAILYNNapahawak ako kay Monette habang pinipigil ang hininga ko.Anong sasabihin ko? Anong isasagot ko sa kanya?Wala… As in wala akong maisip. Kaya dahan-dahan akong humilig kay Monette at tuluyang humiga sa hita niya.“Zailyn…” Niyugyog niya ako. “Kainis ka naman, eh… nang-iiwan ka sa ere!” Gigil niyang bulong sa akin.Ibinuka ko lang ang isang mata ko. Nagmamakaawang iligtas niya muna ako ngayon. Wasak pa ang puso ko. Wala pa akong lakas na harapin ang nag-aalburotong si Nicolo.“Mr. Nicolo. ‘Wag po kayong mag-alala. Safe po sa amin ang problema mo.”Ramdam ko ang lamig sa kamay ni Monette.“Siguraduhin mo lang.”Ramdam kong lumubog ang couch sa paanan ko. Umupo siya. Kahit hindi lumapat ang balat niya sa akin, ramdam ko pa rin ang init niya.O, dahil lang lasing ako.Napahigpit naman ang hawak ni Monette sa kamay ko na para bang gusto na niyang tumayo ako at umalis na kami.Bahagya ko na namang ibinuka ang isa kong mata para silipin si Nicolo. Nasa paanan ko pa rin siya, nakatungo

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 4 — The Worst Time To Be Curious

    ZAILYNNgumiti ako habang pinapalandas ko ang daliri ko sa dibdib niya pababa.Kinagat ko pa ang ibabang labi ko na parang inaakit siya.Ramdam kong mas humigpit ang kamay niya sa baywang ko at parang lalong tumigas ang katawan niya.Pero hindi ako tumigil.Oo, pin-provoke ko siya. Gusto kong malaman kung hanggang saan ang kaya niyang tiisin.“So, you want me to take responsibility?” Mas bumaba pa ang daliri ko.At sa puntong ’to, hinawakan na niya ang pulso ko at inilagay sa likod ko.“It’s your call, not mine…” bulong niya sa paos na boses.Gumalaw pataas-pababa ang Adam’s apple niya. At ewan ko kung ano ang nangyayari sa akin.Iyon na naman ang nilaro-laro ko. Kusa ko na ring diniin ang sarili ko sa kanya.“So, your place or mine?”Hindi ko masyadong naaaninag ang mukha niya o mabasa ang nasa mga mata niya, pero kitang-kita kong umangat ang sulok ng labi niya bago niya ako binuhat.“Wai-wait…”Matinis na boses ang narinig ko.Boses ’yon ni Monette kapag hysterical siya.“Saan mo dad

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 3 — The Pharmacy Guy

    ZAILYNPagkatapos ng ilang minutong pag-iyak, tumayo ako.Pinulot ko ang cake na nahulog sa sahig at itinapon ko sa basurahan.Inayos ko rin ang kama ko at pinalitan ang sapin. Lahat ng bakas ni Clark sa kwartong ’to, binura ko.Hindi ako malulugmok dahil sa lalaki.Matapos kong itapon ang lahat ng dapat itapon at linisin ang dapat linisin, hinubad ko ang damit ko at pumasok sa banyo.Pinilit kong magpakatatag pero, damn it!Ayaw pa ring tumigil ang mga luha ko.Hinayaan kong pumatak ang malamig na tubig sa mukha ko at humalo sa mga luha ko.Matapos maligo, tinuyo ko ang buhok ko at nagpalit ng damit na hindi ko madalas sinusuot.Tumingin ako sa salamin at ilang segundo kong pinagmasdan ang sarili ko.Suot ko ang black leather mini skirt at fitted satin camisole na regalo ni Mommy sa akin noon. Ipinaris ko rito ang oversized blazer at heels na regalo ni Daddy.Napabuntong-hininga ako.Sa halip na gumaan ang pakiramdam ko, mas lalong bumigat. Kasi, mas na-miss ko ang mga magulang ko.P

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 2 — The Betrayal

    ZAILYN“Thank you…” Nakangiting sabi ko sa salesgirl bago ko bitbitin ang cake na binili ko.Hindi pa rin nawawala ang ngiti ko habang pumapara ng taxi papunta sa apartment ko.Alas-otso na ng gabi. Kailangang maihanda na ang lahat bago pa dumating si Clark.Ang boyfriend ko.Kaarawan niya ngayon. Gusto ko siyang sorpresahin at sa tingin ko, handa na siyang malaman kung sino talaga ako.Patakbo kong inakyat ang mahabang hagdan papunta sa apartment ko habang iniingatan ang cake na hawak ko.Pero bubuksan ko na sana ang p***o nang mapansin kong bahagya itong nakabukas.Natigilan ako.At… may naririnig ako.May tao sa loob.May mga ungol at kaluskos.Alas-nuwebe ang usapan namin ni Clark.Umuwi ba siya nang maaga?Dahan-dahan akong pumasok.Habang papalapit ako sa kwarto, mas lalong luminaw ang mga naririnig ko.“Oh, shit… Clark! Faster…”Napigil ko ang hininga ko. Parang nawalan ng lakas ang kamay ko. Nabitiwan ko ang dala kong cake.Nakikita ko sila sa loob ng kwarto ko.Sa kama na kabi

  • Mommy Hates My Daddy CEO   CHAPTER 1 — The Most Embarrassing Customer

    ZAILYNNatural na talagang may customers na pumapasok sa pharmacy para bumili ng gamot at vitamins.May mga nagdadala ng reseta mula sa iba’t ibang doktor.May mga customer na kailangan pang magpaliwanag nang sampung minuto bago sabihin kung ano talaga ang kailangan nila.Sanay na ako roon.Pero hindi ako sanay sa lalaking halos sampung minuto nang nakatayo sa harap ng counter habang palinga-linga na parang may hinihintay na mawala ang ibang customer.“Can I help you, sir?”Napatingin siya sa akin.“Uh…”Naghintay ako ng sagot niya, pero parang na-stuck iyon sa lalamunan niya.Hindi pa rin siya mapakali. Tumingin siya sa gilid, pagkatapos ay sa likod niya bago bahagyang yumuko sa counter.“Miss, do you have anything that can make it stop?”Napakunot-noo ako.“Stop what?”Bigla siyang tumahimik. Lumunok na parang gusto niyang bawiin ang tanong niya.“Never mind…”Akmang tatalikod na sana siya, pero tumigil siya nang umalis ang customer na katabi niya.Muli siyang humarap at lumunok.“Ge

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status