ZYLA SANDRA SARCOVA“Mahal, meryenda ka muna.”Napangiti akong napatingala kay Zadrick habang maingat niyang inilapag ang apple juice at macarons sa coffee table.“Bakit ikaw pa ang nagdala niyan?” tanong ko, saka muling ibinaba ang tingin sa ginuguhit ko.“Kasi kapag inuutos ko sa kasambahay, hindi mo ginagalaw.”Malumanay ang pagsasalita niya, pero kinuha naman niya ang tablet sa kamay ko at inilagay sa bakanteng upuan.“Zadrick… akin na ’yan. Hindi pa ako tapos, eh…”Ngumiti lang siya habang kumukuha ng isang macaron.“Say ah…”“Zadrick… para naman akong bata.”Kukunin ko sana ang macaron, pero inilayo niya at muli niya akong sinubuan.Napapailing na lang ako, pero napapangiti naman din. Kasi habang tumatagal kaming magkasama sa isang bubong, lalong naging sweet siya.’Yong kahit napaka-busy niya sa preparation ng capsule collection launch, isiningit pa rin niya kami ni Zailyn sa schedule niya.Ngayon nga, dapat ay nasa headquarters siya para kausapin ang production team tungkol sa
Last Updated : 2026-09-26 Read more