ZYLA SANDRA SARCOVA Pagkatapos ng ceremony, hindi na halos nawala ang ngiti ko. Sunod-sunod ang pictures, congratulations, hugs, best wishes, at kung anu-anong pagbati mula sa mga bisita. Pero sandaling nawala ang ngiti ko nang makita ko ang tita ko, kapatid ng tatay ko. Kasama niya ang asawa niya at ang dalawa nilang anak. Nang magtagpo ang mga mata namin, bahagya silang ngumiti, pero hindi sila lumapit. Ngumiti lang din ako. Sa tingin ko, sapat na ’yon bilang patunay na nabura na ang sama ng loob o hinanakit ko sa kanila. Hindi na kailangan ang mahabang paliwanag. Hindi na kailangang ungkatin ang nakaraan. Isang simpleng ngiti at isang mahinang tango lang. At nang maglakad kami ni Zadrick sa aisle, tumayo sila. Tumigil din kami ni Zadrick. “Congratulations, Zyla,” sabi ni Tita. Bahagya akong ngumiti. “Thank you…” “Best wishes…” sabi rin ng asawa niya. “Thank you.” Iyon lang at nagsimula na naman kaming maglakad. Hindi na kailangang burahin ang nakaraan para mapatawad
Última actualización : 2026-10-04 Leer más