MasukTry ko lang, if kakayanin bang ihabol ang next chapter. Kakain pa si ako, eh...
ZYLA SANDRA SARCOVA“Zadrick…”Sinubukan kong pukawin si Zadrick, pero hindi na siya gumalaw.Napalingon naman ako sa doktor. Parang maiiyak na naman ako.“What’s happening? Why isn’t he moving?”“Don’t worry. He’s fine,” sagot ng doktor. “We gave him a pain reliever to help him sleep.”Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko kasi kung ano na ang nangyayari sa kanya.Maya-maya ay nagpaalam na ang doktor at ang mga nurse.Naiwan kaming tatlo sa loob ng kuwarto.Nakatitig lang kami ni Zailyn sa daddy niya.“Halika, baby…” Giniya ko si Zailyn sa tabi ng kama ni Zadrick at umupo kami sa upuan na katabi nito.Ni minsan ay hindi namin inalis ang tingin kay Zadrick. Binabantayan ko ang paghinga niya kung maayos ba at hindi ba siya nahihirapan.Napatingin lang ako kay Zailyn nang humikab siya.“Are you sleepy, sweetheart?”“Yes, Mommy…” Kinarga ko siya sa couch at inihiga ko siya roon.“Matulog ka na, baby… Ako na muna ang magbabantay sa daddy mo.”Hinaplos-haplos ko ang dibdib niya hanggang sa
ZYLA SANDRA SARCOVA“Zy—”“Daddy!”Hindi na natapos ni Zadrick ang sasabihin nang biglang bumukas ang p***o at umalingawngaw ang maliit na boses ni Zailyn.Patakbo siyang lumapit sa hospital bed ni Zadrick.“Daddy!”Kaagad ko siyang sinalubong at kinarga. Ipinaupo ko siya sa tabi ng daddy niya.“What happened, Daddy?” Tumingala siya sa noo ni Daddy niya. Maluha-luha ang mga mata. “Does your forehead hurt?”Humawak din siya sa braso ni Zadrick at marahang hinaplos iyon habang nakatingin pa rin sa mukha ng daddy niya.Hinaplos naman ni Zadrick ang pisngi ni Zailyn.“It hurt earlier, but now that you and Mommy are here, it doesn't hurt anymore.”“Really?”Pumatak ang isang butil ng luha sa pisngi niya na kaagad kong pinahid.Napatingin naman siya sa akin.“Mommy…”Mga mata niya, parang may biglang naalala.“Yes, baby…”“Are you and Daddy okay now?”Ngumiti si Zadrick at agad niya akong hinapit sa baywang.“Yes. Mommy and I are okay now.”Bago pa ako makapagsalita, mabilis niya akong hinal
ZYLA SANDRA SARCOVAGusto ko nang sumubsob sa dibdib niya, pero hindi naman ako makagalaw.Hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Nakatitig lang ako sa kaniya habang paulit-ulit na pinupunasan ang luha kong ayaw tumigil sa pagpatak.Naawa ako sa hitsura niya, eh. Bukod sa sugat niya sa noo at sa pinsala sa braso, may mga maliliit na sugat at pasa pa sa mukha niya.Nang maglakas-loob akong humakbang, bigla namang dumating sina Alex at Milo.“Boss Zadrick, kumusta po?” kaagad na tanong ni Milo habang sinusuri nito ang mga sugat niya.Habang si Alex naman ay lumapit sa akin at ginabayan ako palapit kay Zadrick, na hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.“Heto, buhay pa… pero ang sakit—”Kaagad kong hinawakan ang kamay niya.“Ano ang masakit? Saan ang masakit?” Kung saan-saan na dumako ang kamay ko.Hinawakan naman niya ang kamay ko habang seryoso pa rin ang tingin niya sa akin.Then dahan-dahan niyang inilapat ang palad ko sa tapat ng dibdib niya.“This hurts.”Napakunot ang noo ko.“I have
ZYLA SANDRA SARCOVA“Coming?”Bago ko pa matapos ang tanong ko, biglang tumunog ang smartwatch ni Zailyn.Kaagad na nawala ang ngiti sa labi niya. Napalitan iyon ng balisang ekspresyon habang nakatingin pa rin sa smartwatch niya. Bahagya pa siyang napakunot ng noo bago tumingin sa akin, saka kina Ma’am Diana at Sir Mavrick.“Daddy is in trouble.”Kaagad na napatingin sa kaniya sina Ma’am Diana at Sir Mavrick. Napatayo na rin sila.“What happened, Apo?” tanong ni Ma’am Diana.“I don’t know. The call got disconnected. I heard a loud crash before it ended.”Kaagad na inilabas ni Sir Mavrick ang phone niya.Paulit-ulit niyang tinawagan si Zadrick, pero walang sumasagot. Ilang segundo siyang naghintay sa bawat tawag bago muling pindutin ang call button.Habang nakatingin ako sa kaniya, parang biglang sumikip ang dibdib ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Hindi ko na makontrol. Parang hindi ko na mahabol.Anong nangyayari?Napaano si Zadrick?Hindi ko na alam kung sino ang titingnan. Si Zaily
ZYLA SANDRA SARCOVAPagkasabi ni Zailyn noon, tumalikod na siya at pumunta sa kama.Napatanga na lang ako sa kinatatayuan ko.Naghintay pa kasi ako. Umaasa na may pinapasabi si Zadrick para sa akin.Pero wala pala.Ang na-miss niya lang ay ang anak namin.Ako, hindi.Para akong nakakain ng mapait na may halong sili.Muntik akong maluha.Muntik pang mapangiwi sa pait na kumalat sa buong sistema ko.Ipinikit ko saglit ang mga mata ko. Pinipilit kong alisin ang pait na nalalasahan ko.Napatingin ako kina Milo, Alex, at Mara na pabulong na nag-uusap habang nakatingin sa phone nila.Lumapit ako at pabagsak na umupo sa tabi ni Alex.“Ano’ng tinitingnan ninyo?” Humalukipkip pa ako. Nakasimangot na parang lahat ng tao sa paligid ko ay kalaban ko.“Wala na ’yong trending topic, Miss Zy,” sagot ni Milo.Napatingin ako sa kanya. Pero hindi pa rin nagbago ang ekspresyon ko.“Mabuti naman. Tinupad ni Ma’am Diana ang pangako niya.”“Zy, naglabas na rin sila ng statement,” sabi naman ni Alex.Tumingi
ZYLA SANDRA SARCOVANaguguluhan man ako sa sinabi ni Ma’am Diana, hindi na ako nag-usisa.Sakto namang tumunog ang phone niya at tumalikod siya nang sagutin iyon. Kaya lumabas na rin ako.Agad akong sinalubong ni Alex.“Are you okay?”Tumango ako at marahan ko ring hinaplos ang balikat niya bago ko hinarap si Cathy.“Thank you, Attorney,” sabi ko kay Cathy.“Walang anuman, Zy.”Pero kakaiba ang tingin niya sa akin. Parang may gusto siyang sabihin, pero pinipigilan niya.Pero parang gets ko na ang tingin niya. Tiyak na alam na niya ang tungkol sa amin ni Zadrick.“Cathy…” agaw ni Alex sa pansin niya. “You really are someone I can count on. Kahit hindi tayo madalas magkita, isang tawag ko lang sa’yo, darating ka agad.”Tumawa si Cathy.“Of course. Malaki kaya ang utang na loob ko sa family mo—”Napatawa rin si Alex. Pero pilit na tawa at niyakap si Cathy.“Okay, enough. Baka magkaiyakan pa tayo rito.”Napailing at natawa na lang si Cathy.“Paano? Aalis na ako. Tumawag kayo kapag may prob







