Kahit na late ng nakatulog si Chantal, maaga parin siyang nagising kinabukasan. Kung sa siyudad, ugong ng sasakyan at iba't-ibang makina ang maririnig, ngayong umaga, huni ng mga ibon ang gumising sa kanya. Umunat siya bago bumangon at binuksan ang malaking bintana. Agad na bumungad sa kanya ang kakahuyan na nasisinagan ng mabining sikat ng araw at sariwang hangin.For the first time since the scandal happened, she genuinely smiled at the scenery that welcomed her eyes. Ilang minuto din niyang pinagsawa ang kanyang sarili sa pagmamasid sa bagong kapaligiran bago siya lumabas ng silid.Nasa salas palang siya, nanunuot na sa kanyang ilong ang mabangong aroma ng pagkain. The food smells good. Literal na amoy lutong bahay. Noong artista pa siya, hindi niya madalas nakakain ang mga pagkain na gusto niya dahil kailangan niyang imonitor ang kanyang timbang. Pero ngayong hindi na siya artista, siguro masusubukan na niyang kumain ng walang limit."Good morning!" Masigla niyang bati nang makara
Terakhir Diperbarui : 2026-07-07 Baca selengkapnya