Napanganga si Chantal sa narinig. Napatingin siya sa paligid—sa napakalawak na botanical garden na napalilibutan ng malalaking puno, makukulay na bulaklak, at katahimikan. Walang mga turistang nagpapa-picture, walang sumisigaw na bata, at higit sa lahat, walang paparazzi o tsismosong nakatitig sa kanila.Lahat ng 'to... ginawa at ginastusan ng lalaking ito para lang hindi siya mag-alala at maistorbo?"Marco, nababaliw ka na ba?" pabulong ngunit gulat na sabi ni Chantal habang itinuturo ang paligid. "Nirentahan mo 'tong buong lugar? Alam mo ba kung gaano kamahal ang singil sa ganitong kalaking pasyalan para lang sa dalawang tao?!"Kibit-balikat na tumugon si Marco habang nananatiling nakapamulsa ang isang kamay. "It's just money, Chantal. I can earn it back in a few minutes."Natawa nang bahagya si Chantal at napasapo sa kanyang noo. "Ah, oo nga pala. I forgot that you are a wealthy man," naiiling niyang bigkas.Napangiti naman si Marco sa kanyang sinabi. Subalit kahit na masaya siya,
آخر تحديث : 2026-09-25 اقرأ المزيد