Kinabukasan ay mas maaga parin na gumising si Chantal kaysa kay Marco. Mabuti nalang at mukhang hindi siya naging ganun kalikot sa nakaraang gabi dahil kahit walang unan sa pagitan nila ni Marco, nanatili parin ang espasyo sa gitna nila.Humugot siya ng hangin bago napagpasyahan na bumangon at maglinis ng katawan. Matapos niyang makapagbihis, dumiretso na siya ng baba sa kitchen at nagtimpla ng kanyang gatas."Ang aga niyo po yata ngayon, Ma'am Chantal," puna ni Manang Dolores nang maabutan siya nito sa kusina.Tipid siyang ngumiti bago dinampot ang isang baso ng gatas. "Marami pa po kasi akong gagawin ngayong araw, Manang.""Ayos lang po ba kayo sa mga pinapagawa ni Doña Greta sa inyo?" May bahid ng pag-aalala nitong tanong."Opo, Manang. Wala po kayong dapat na ipag-alala, kayang-kaya ko po ang mga trabahong ibinigay ni Doña Greta sa akin!" Puno ng kumpyansa niyang sagot.Napabuntong hininga ang ginang. "Sana nga hindi magtagal at makita ni Doña Greta ang kabutihan mo at wag ka na n
آخر تحديث : 2026-09-03 اقرأ المزيد