Nang marinig niya ang ugong ng sasakyan palabas ng mansion ay muli siyang bumuntong hininga saka sumulyap sa dining area kung saan pumunta si Doña Greta. Just thinking about the old woman really bothers her. She doesn't have any idea what scheme she'll make to drive her away that makes her situation even more frustrating. Huminga siya ng malalim at napagpasyahan na umakyat na sa ikalawang palapag ng mansion kung saan naroon ang silid na pansamantala niyang inuokupa. Sa labas ng p***o, naabutan niya sina Ningning kasama ang ilan pa sa mga kasambahay. "Ma'am Chantal, hinihintay po talaga namin kayo bago kami pumasok sa loob at ilipat ang mga gamit ninyo," bungad ni Ningning. Tipid naman siyang ngumiti. "Salamat Ningning," aniya at binuksan na ang pintuan. "Pasok kayo. Tutulong din naman ako sa paglilipat." "Naku, wag na po, Ma'am. Kayo nalang po ang taga-utos," tugon ng babae. Pero mariin siyang umiling. "Wala rin naman akong gagawin kaya hayaan niyo na ako. Isa pa, ayaw niyo ba nu
Last Updated : 2026-08-12 Read more