Nang sumunod na umaga, bumaba si Chantal sa kainan habang nasa trabaho na si Marco. Nagulat siya nang makitang nakaupo roon si Doña Greta, mag-isang nagme-meryenda at mukhang masigla ang aura. Wala nang bakas ng dating bigat sa paligid ngayong wala na si Dianne sa mansyon.Ibinaba ng matanda ang kanyang tasa at tiningnan si Chantal habang nagpapakawala ng isang maliit at kuntentong ngiti."Magandang umaga, Chantal," malumanay na bati ni Doña Greta. "Umupo ka at kumain. Mas masarap ang meryenda ngayon... napakatahimik ng bahay dahil wala na ang sakit sa ulo," makahulugan nitong turan.Hindi napigilang mapangiti ni Chantal habang dahan-dahang umuupo sa katapat na silya. "Magandang umaga rin po, Grandma. Masaya po ako na payapa na ang pakiramdam niyo rito."Tumango ang matanda at seryosong tinitigan si Chantal, ngunit may kabaitan na sa kanyang mga mata."To be honest, I'm glad she's finally gone," tahimik na pag-amin ni Doña Greta. "Masyado nang matagal na nagparaya si Marco sa kanya, a
Last Updated : 2026-09-30 Read more