Napatingin si Doña Greta kay Chantal. Ilang segundo siyang tahimik na pinagmasdan ng matanda, tila sinusubukang tiyakin kung talagang buo ang loob nito sa sinabi."Are you sure?"Tumango si Chantal. Pinahid niya ang natitirang luha sa kanyang pisngi bago tuluyang tumayo mula sa kama. Hindi siya makakapayag na pagkatapos niyang pakisamahan si Dianne ay gagaguhin lamang siya ng babae."Yes, Grandma. Please. Just let me deal with her this time," may diin niyang bigkas.Huminga nang malalim si Doña Greta. Bagama't halatang hindi pa rin nawawala ang galit sa kanyang dibdib, kalaunan ay marahan siyang tumango."Fine. But if she tries anything else, you come to me immediately."Sa kabila ng samu't saring emosyon na nararamdaman niya, nakuha pa rin niyang ngumiti matapos marinig ang sinabi ng ginang. Sa unang pagkakataon, pakiramdam niya ay kakampi niya ito."I will."Muling tinitigan ni Doña Greta ang dalaga bago tuluyang lumabas ng silid.Pagkasara ng pinto, ilang sandali lamang na nanatili
최신 업데이트 : 2026-09-29 더 보기