Bahagyang natawa si Chantal sa tahasang pagtatapat ni Ningning, ngunit hindi maikakailang may kirot at wisik ng katotohanan ang sinabi ng kasambahay. Hinaplos niya ang gilid ng kanyang tasa at seryosong tinitigan si Ningning, banayad ang boses ngunit may pahiwatig ng pagiging matatag."Salamat sa pag-aalala, Ningning," mahinahong tugon ni Chantal. "Pero huwag kang mag-alala. Alam ko ang ginagawa ko. Kahit ano pa ang tunay na pakay ni Dianne rito, hindi ko hahayaang may makasira sa amin ni Marco.""Dapat lang po talaga, Ma'am. Huwag ninyong hayaan na makalapit 'yan kay Boss. Nakita ko pa naman sila kagabi ni Boss Marco sa may balkonahe."Napakurap-kurap si Chantal at dahan-dahang napalingon kay Ningning. "Talaga?""Opo. Uminom po kasi ako ng tubig tapos sandali akong naglibot sa bahay. Natanaw ko silang dalawa kagabi. Wala naman silang ginagawang masama. Parang nag-usap lang. Tsaka may tiwala ako kay Boss, diyan sa ex niya po, wala."Nahulog sa malalim na pag-iisip si Chantal. Marco an
최신 업데이트 : 2026-09-29 더 보기