POV: JamillaTawa ako ng tawa habang mabilis na tumatakbo patungo sa pantry, pilit na pinipigilan ang malakas na hagikgik na gustong sumabog mula sa aking dibdib. Walang tao sa paligid dahil lunch break ngayon ng mga empleyado, kaya malayang-malaya akong makakapag-isa rito.Pumasok ako sa loob at agad na lumapit sa counter. Nakakatuwa! Hinding-hindi ko talaga pinalagpas ang pagkakataon na bilugin ang ulo ng nakaiiritang babaeng 'yun. Ang arte-arte, para ring si Celeste kung umarte at umasta—mataas ang tingin sa sarili, matapobre, at abang-aba na maangkin ang asawa ko! Aba, wala akong balak sabihin sa kaniyang ako ang legal na Misis Graham. Mas masarap kayang paikutin, utuin, at bilugin ang ulo ng mga taong tulad niya na akala mo'y kung sinong mautak!Kumuha ako ng isang mamahaling ceramic cup mula sa cabinet. Nilagyan ko iyon ng dalawang kutsarang patis, kaunting toyo para maging madilim ang kulay, at kaunting asukal. Kumuha ako ng mainit na tubig sa dispenser at isinalin iyon sa tasa
Magbasa pa