"Nagsisinungaling siya sa inyo!" umiiyak na sigaw ko habang nakaturo kay Tita Mandy na ginugulpi pa rin ni Nanay. "Ibinenta rin niya sina Levi, Macy, Irish, at Elena sa casa sa Subic! Pinagkakitaan niya ang mga anak niyo! Wala siyang awa! Sinungaling ang hayop na babaeng yan!"Para itong isang kidlat na tumama sa apat na ina. Sa loob ng ilang segundo, nawala ang lahat ng katwiran nila at bait sa kani-kanilang mga isip. Ang matinding pag aalala, panlalamig, at pagmamahal ng ina sa kanilang mga anak ay nag-transform sa isang napakalaking galit na hindi kayang pigilin ng kahit sino!"Hayop ka, Mandy!" "Inagaw mo ang mga anak namin!""Papatayin ka namin, demonyo ka!"Nagkarambola ang apat na ina! Pumasok sila sa bakuran at sama-samang sinugod si Tita Mandy! Pinagtulungan nila itong sabunutan, pag-sasampalin, at pag-sisipain habang nakahandusay ito sa lupa. Sa matinding galit ng mga ina na tila nawalan na ng sarili, hinawakan ng ina ni Elena at ina ni Macy ang mamahaling pulang duster ni
Baca selengkapnya