Muling bumalik ang katahimikan sa loob ng silid, ngunit sa pagkakataong ito, hindi na ito ang mabigat, malamig, at nakatatakot na katahimikang matagal naming pinalipas ni Denis. Ito ay isang uri ng katahimikang puno ng paghinga, pag-asa, at init ng dalawang taong muling natagpuan ang isa't isa sa gitna ng bagyo.Makalipas ang ilang minuto ng tahimik na pagyakap at pagpapahinga ng aming mga emosyon, marahan kong inayos ang makapal na kumot sa ibabaw ng kaniyang mga hita upang hindi siya lamigin.“By the way, Denis...” panimula ko habang dahan-dahang itinataas ang aking tingin sa kaniya.Napatingin siya sa akin, ang kaniyang mga mata ay pinalilipasan pa rin ng bahagyang bakas ng mga luha ngunit nagniningning na sa panibagong lakas. “Ano iyon, sweetheart?”Sumeryoso ang aking mukha, pilit na ipinapakita ang aking paninindigan bilang asawa. “May isa pa akong napakalaking kondisyon bago natin tuluyang buksan ang panibagong kabanatang ito.”Napakunot ang kaniyang noo, bahagyang napaatras an
Read more