“Hindi ka man lang nagparamdam o nagpakita pagkatapos ng date natin noong nakaraan,” patuloy niya habang nakatitig sa akin. “Akala ko pa naman ay may konsiderasyon ka sa oras ng isang doktor na katulad ko.”“Dahil wala na tayong anumang dahilan para magkita o mag-usap pa, Gabriel,” malamig kong sagot. “Naging malinaw ako sa 'yo noong gabing 'yon.”Tumawa siya nang maikli at nang-aasar, saka tumingin sa kaniyang mga kasamahang doktor na nagsimula nang mag-usyoso. “Still bitter, huh?”Napataas ang isa kong kilay. “Hindi ako bitter. Sadyang ayoko lang sa mga taong walang respeto.”“Talaga lang, ah?” Tumingin muli si Gabriel kay Jay. Mula sa sandaling iyon, naramdaman ko na agad ang hindi magandang patutunguhan ng usapang ito. “Siya ba?”“Siya ang ano?” matabang kong tanong.“Ang bagong kasama mo. Ang pinagpalit mo sa akin.”Ngumisi si Gabriel habang sinusuri si Jay mula ulo hanggang paa—ang simpleng casual shirt ni Jay, ang kaniyang simpleng relo, at ang kaniyang napakatahimik na reaksy
Leer más