Tumingin ako sa kaniya, ibinaba ang aking baso at ngumiti nang napakalamig.“Hard work, talent, and professionalism, Mrs. Generoso,” simple kong sagot. “That's literally it. No shortcuts. No family subsidies.”Umiling si Gilda, pilit na tinatanggihan ang katotohanan. “I-It doesn't make sense... That's not how it works!”“Para sa 'yo na walang alam sa industriya ko, hindi talaga magse-sense,” dagdag ko pa nang malumanay.Napatingin sa akin si Gilda na para bang lalo siyang naiinis dahil sa sobrang kalmado ko sa gitna ng sigawan nila ni Mommy. “Hindi ka man lang ba magagalit sa akin?! I am questioning your achievements!”Napakurap ako, tinitigan siya nang may kaunting awa. “Bakit naman ako magagalit?”“Naiinsulto ka dapat!”“Medyo noong una,” paimbabaw kong sagot. “But why waste my energy defending myself when my mother is doing such a brilliant job putting you in your place?”Napatingin si Mommy sa akin, at sa gitna ng galit niya ay bigla siyang napangiti nang napakalapad. “Good girl.
اقرأ المزيد