POV: AmaliaIsang linggo na ang lumipas mula nang mangyari ang gabi na iyon sa unit ni Jay.Isang buong linggo.Pero hanggang ngayon, pakiramdam ko ay nakatayo pa rin ako sa gitna ng maliit at nakatagong kwartong iyon, sa harap ng corkboard wall na puno ng mukha ko, at hawak ang liham na naglamutak sa buo kong pagkatao.Sa totoo lang, hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko.Hindi ako galit kay Jay. Kailanman ay hindi ko naisip na magalit sa kaniya. Wala siyang ginawang masama. Wala siyang pinalagpas na limitasyon. Hindi rin ako nasaktan sa mga natuklasan ko—walang pait, walang galit, at walang bahid ng pagkabigla na may halong diskumpya.Pero simula nang mabasa ko ang bawat salita sa sulat na iyon, parang may pader na gumuho sa loob ko, at sa likod niyon ay isang hindi ko maipaliwanag na emosyon ang lumabas.Sa tuwing umiilaw ang screen ng cellphone ko at lumalabas ang pangalan niya—Jay—natataranta ako. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba agad, kung magpapasama ako sa kaniya tulad
Ler mais