Napatingin ako kay Micah, na kasalukuyang maingat na tumutulong sa isang director na ibalik ang mga dokumento sa tamang folder."Micah prepared it," sagot ko kay Director Santos.Bahagyang napataas ang kilay ng matanda, kitang-kita ang gulat sa kaniyang mga mata. "Really? She's only been with you for a week, hasn't she?""Yes, Director.""Impressive," tumango-tango siya nang may matinding paghanga. "She clearly understands the material. And she knows how to present it without wasting everyone's time.""She's doing well.""Well? Keep her, Mr. Robles. People like that are extremely valuable to the company."Pagkasabi niyon ay ngumiti siya sa akin, tinapik muli ang balikat ko, at tuluyang lumabas ng conference room.Naiwan akong nakatayo sa tabi ng malaking mesa, hawak ang sarili kong leather folder.'Keep her...'Napailing ako sa sarili ko.Hindi naman ako ang magpapasya kung hanggang kailan mananatili si Micah bilang executive secretary ko. Alam kong pansamantala lamang ang lahat ng ito
Leer más