POV: AmielTahimik akong nagmamaneho habang nakaupo si Audrey sa passenger seat.Paminsan-minsan ay sumusulyap ako sa kaniya, ngunit sa tuwing ginagawa ko iyon, nakikita ko lamang siyang nakatitig sa labas ng bintana—malayo ang tingin, tahimik, at tila pasan ang buong mundo.Karaniwan, kapag magkasama kami pagkatapos ng trabaho sa dating opisina, napakarami niyang kuwento. Ikukuwento niya ang mga nakatatawang nangyari sa palapag namin, ang mga pagkaing gusto niyang subukan sa hapunan, o ang mga planong gusto niyang gawin kapag nagkaroon kami ng bakanteng araw. Kung minsan naman, kahit ang simpleng reklamo sa trapiko sa EDSA ay nagagawa niyang masaya at mahabang kuwento habang nakahawak sa kamay ko.Pero ngayong araw, halos ayaw niyang magsalita.At hindi ko maiwasang makaramdam ng matinding pag-aalala at kurot sa aking dibdib.“Where do you want to eat, babe?” tanong ko habang dahan-dahang humihinto ang sasakyan sa isang intersection dahil sa pulang ilaw.Bahagya siyang lumingon sa ak
Baca selengkapnya