At higit sa lahat, kailangan kong tandaan na hindi ako narito upang ulitin ang mga pambatang pagkakamali ng nakaraan. Lalo na ang pagkakamaling piliting makuha ang atensyon ng isang taong hindi naman handa o interesadong ibigay iyon."Good morning, Miss Micah!"Napalingon ako nang may bumati mula sa may pinto."Good morning," nakangiti kong ganti."May kailangan po ba kayong ipa-print para sa mga ulat ngayong umaga?""Actually, yes. Can you print these reports, please? Two copies each, and make sure the pages are arranged strictly according to the index layout.""Okay po, Miss Micah.""Thank you!"Pagkaalis niya, muli kong ibinalik ang paningin sa aking laptop.Maya-maya, narinig ko ang pamilyar na tunog ng pagbukas ng elevator sa dulo ng pasilyo.Hindi ko iyon gaanong pinansin noong una—maraming opisyal at empleyado ang pumapasok at lumalabas sa executive floor na ito, lalo na tuwing umaga. May mga department heads na kailangang makipagkita kay Amiel, may mga staff na naghahatid ng m
Read more