Akala ko wala na sa tabi ko si Hendrix pagkagising ko kinaumagahan kasi ganoon naman talaga ang nakasanayan. Siya mauuna gumising para maghanda ng almusal namin. Pero pagdilat ko ngayon ay tulog pa rin siya, nakayakap sa akin ang mabigat niyang braso. Bahagya akong gumalaw para bumangon na pero mas nagulat ako nang lalo pa niya ako niyakap, indikasyon na gising pa siya. Isiniksik pa niya sa bandang leeg ko ang kaniyang mukha. “Good morning, pretty," bati niya sa akin sa paos na boses. “Morning. Bangon na tayo?" aya ko. "Later. Stay a bit longer, please…" lambing niya bago idinikit ang kaniyang mga labi sa balat ko. "It's barely seven in the morning.""Pero kailangan na natin bumangon, Hendrix. Marami pa akong kailangang ayusin sa gamit ko galing Paris," sabi ko habang pasimple kong inaalis ang kaniyang mabigat na braso mula sa akin. "At saka 'di ba, may huhugasin ka pang pinggan sa baba. Baka pasukin tayo ng daga," sabi ko pa kahit malabo namang magkaroon kami rito ng daga.Doon p
더 보기