Pagkatapos naming kumain, ako na ang nagprisintang magligpit ng pinagkainan namin kahit nahirapan ako sa pagkumbinsi kay Hendrix. Ayaw niya kasi dahil mapapagod daw ako. Isa pa niyang dahilan ay baka makabasag lang ako at masugatan ako kasi nga, wala akong alam maski paghuhugas lang ng pinggan. Gets ko naman ang concern niya pero dahil ako si Hiraya na gusto laging may mapatunayan, pinilit ko. Napapayag din siya sa huli. Wala rin naman siyang nagawa nang ireklamo ko na busog na busog ako at kailangan kong gumalaw para hindi ako antukin agad.Nang matapos kong hugasan ang mga plato, lumabas ako sa veranda kung saan ko siya naabutang nakaupo sa swing chair habang nagtitimpla ng dalawang baso ng mainit na tsokolate."Done?" tanong niya nang malingunan niya ako. "Yup. Nilinis ko na rin ang counter," sagot ko, lumapit na sa kaniya saka naupo sa katabing swing chair.Inabot niya sa akin ang isang mug. "Thanks. But next time, again, let me do it."“Oo na nga. Hindi naman nakakalumpo ang pa
Read more