Pangatlong araw na namin sa Paris at ito ang pinakamatagal na shoot day dahil tatlong magkakaibang gabi at twilight layouts ang kailangan naming matapos. Mula alas-diyes ng umaga hanggang gabi, ikot kami nang ikot sa iba't ibang sikat na fashion avenues.Habang inaayos ng stylist ang buhok ko sa loob ng dressing room van, pasimple kong tinitingnan ang cellphone ko. Simula kaninang umaga, hindi na nag-message si Hendrix. Naisip ko na baka ito na 'yung sinasabi niyang final round ng emergency meeting nila sa Frankfurt investors."Mama Benedict, anong oras na sa Pilipinas ngayon?" tanong ko habang nilalagyan ng lipstick ang labi ko."Mag-a-alas dos na ng madaling araw doon, Hiraya. Bakit? Hendrix?" sagot ng manager ko na parang bang alam na alam talaga ang itatanong ko."Wala lang. Hindi na kasi siya nag-message simula kaninang tanghali," sagot ko sabay balik ng phone sa mesa."Busy 'yun, panigurado. Alam mo naman 'yung mga bilyonaryong katulad niya, kapag negosyo ang pinag-uusapan, naka
Leer más