Hindi ko agad ibinaba ang cellphone kahit matagal nang naputol ang tawag ni Sef.Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang huling sinabi niya.‘Don't trust anyone blindly…’Napakagandang payo mula sa taong mismong hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko.Ilang beses kong tinawagan ang numero niya, pero hindi na ito sumagot. Nang subukan kong magpadala ng mensahe, iisa lang ang lumabas sa screen ko—delivered, pero walang kasunod na sagot.Napahawak ako sa noo.Kung may alam siya, bakit hindi na lang niya sabihin nang diretso? At kung wala naman siyang kasalanan, bakit parang mas takot pa siyang magsalita kaysa sa akin?Mas lalo akong nainis nang maalala ko ang babala ng hindi kilalang tumawag sa akin.Tumigil ka na sa pagtatanong, self!;Sino ba sila? At bakit parang napakaraming taong gustong ibaon sa limot ang nangyari kay Niko?Nang marinig ko ang mahinang katok sa pinto, mabilis kong inilapag ang cellphone.“Chayo?”Boses iyon ni Sha.“Bukas ‘yan...”Sumilip siya sa pinto, may dala si
Ler mais