Nakatayo lang kaming lahat sa harap ng maliit na pintuang may markang 17-B. Walang gumagalaw, at walang nagsasalita.Kahit si Sha, na kadalasan ay may masasabi sa kahit anong sitwasyon, ay tahimik na nakatitig sa hawakan.May bagong fingerprint. May manipis na alikabok sa paligid, pero ang hawakan mismo ay malinis. May taong humawak dito kamakailan. At kung tama ang hinala namin, maaaring nasa kabilang side pa rin siya.“Carlo,” mababa ang utos ni Zale.“Yes, sir.”“Check the other side.”Tumango si Carlo at agad na lumipat sa gilid ng pinto, habang ang isa pang security man ay pumuwesto sa kabilang bahagi ng Room 03.Napatingin ako kay Mama.“May alam ka bang pintuang ito?”Umiling siya.“Hindi.”“Sigurado ka?”“Oo.”“Hindi mo nakita noon?”“Hindi.”“Pero nasa bahay natin.”“Hindi ko alam na nandito.”Napatingin ako kay Sha.Pareho kaming nagkatinginan, parehong alam na hindi na normal ang sitwasyon.Muling tumingin si Zale sa pinto.“There's no sound.”“Baka umalis na.”“Maybe.”“Or
Ler mais