Nang umandar ulit ang sasakyan, ibinalik ko ang tingin sa labas. May mga bahay, tindahan, at mga taong abala sa kani-kanilang buhay.Nakakapanibago isipin na habang ang iba ay nag-aalala kung ano ang lulutuin sa hapunan o kung aabot pa ba ang kanilang pamasahe, kami naman ay papunta sa isang lugar na posibleng may hawak ng mga sagot sa pagkamatay ng taong mahal ko.At hindi ko alam kung makabubuti ba sa akin ang mga sagot na iyon. Pero kailangan ko pa ring hanapin.**Hindi ko inakalang ganoon katahimik ang S. Compound. Mula sa pangunahing daan, hindi agad mapapansin ang lumang gusali. Nasa likod ito ng isang mas malaking istruktura, napalilibutan ng mataas na bakod at ilang puno.May mga bahagi ng dingding na kupas na ang pintura. Sa isang gilid, may karatulang halos hindi na mabasa. Hindi ito mukhang lugar na madalas puntahan ng mga tao. At marahil iyon ang dahilan kung bakit mas lalo akong kinabahan.Bumaba muna ang dalawang tauhan ni Zale para tingnan ang paligid. Hindi sila nagta
Ler mais