“Hindi ko maintindihan kung bakit parang kailangan ko pang makipag-agawan sa iyo para lang makita ang isang papel.”Iyon ang bungad ko nang pumasok ako sa opisina ni Zale.Hindi pa man ako nakauupo, alam ko nang may bago na naman siyang sasabihin. May dalawang folder sa ibabaw ng mesa niya, isang basong kape na halos hindi nagalaw, at cellphone na paulit-ulit na umiilaw dahil sa mga pumapasok na mensahe.Hindi niya ako agad nilingon.“Good morning to you, too.”“Hindi pa ako tapos.”“I noticed.”“Sinabi mong ipapakita mo sa akin ang report.”Binuksan niya ang isang folder at inilabas ang ilang papel. “Here.”Napatingin ako sa iniaabot niya. “Lahat iyan?”“The available copies.”Kinuha ko ang mga iyon at naupo sa harap niya. May ilang pahina ng incident report, kopya ng mga salaysay, at isang dokumentong mukhang galing sa dating imbestigasyon. Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang ito nakikita. Ilang taon kong dinala ang bigat ng nangyari kay Niko, samantalang may mga papel palang po
Ler mais