“Bakit itinago ni Niko kay Zale ang lugar na iyon?”Natahimik si Sef sa kabilang linya.Hindi ko alam kung dahil ayaw niyang sagutin ang tanong ko o dahil hindi niya alam kung paano iyon sasabihin, pero ilang segundo ring walang narinig mula sa kaniya.“Sef?”“Because he knew Zale would look for it.”Napakunot ang noo ko.“Hindi iyon sagot.”“I know.”“Then give me the real one.”Huminga siya nang malalim. Narinig ko ang mahinang ingay sa paligid niya, parang may mga taong dumaraan, pero hindi ko matukoy kung nasaan siya.“Chayo, may mga bagay na mas mabuting hindi mo muna malaman habang nasa phone tayo.”Napahigpit ang hawak ko sa cellphone.“After everything I’ve found, sasabihin mo sa akin na huwag muna?”“Yes.”“Hindi na puwedeng gano'n.”“Alam ko.”“Then tell me where you are.”“No.”“Sef.”“Please.”Hindi ko napigilan ang inis.Ilang beses na akong sinabihan na mag-ingat, huwag magtiwala, huwag magtanong, huwag pumunta roon, huwag buksan ito, huwag sabihin kay Zale. Sa bawat sag
더 보기