Caroline’s POV Hindi na ako nakaimik pa nang muli niya akong lapitan. Isang halik pa ang ibinagsak niya sa akin, mas matindi, mas nagmamarka. Mabilis niyang itinaas ang isang binti ko para ipulupot sa bewang niya habang iniaangat ako nang kaunti. Napahawak ako sa mga balikat niya. Ni hindi ako makapalag, o mas tamang sabihin na ayoko nang pumalag? "I’m warning you, Carol," bulong niya habang nakadikit ang mga labi niya sa akin, hingal na hingal. "Don't ever drink coffee from another man again. You are mine. Every single inch of you is mine. Naiintindihan mo?" Pumikit ako, ramdam ko ang tuluyang pagkalunod sa halo halong emosyong ipinaparamdam niya sa akin. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pilit kong pinalalabas na naiinis ako, pero ang totoo, bumabaligtad ang tiyan ko sa matinding kilig dahil sa possessiveness ng lalaking 'to. "You're crazy, Tobias Lion Del Fierro," mahinang tugon ko sabay yakap sa leeg niya. "Crazy for you. And I won't apologize for it," sagot niya bago ako muling
Terakhir Diperbarui : 2026-07-28 Baca selengkapnya