3rd Person’s POV "I'm fine. Caroline is the one who needs attention—" "Tobias, hubarin mo 'yang damit mo kung ayaw mong ako mismo ang maghubad niyan," putol ni Caroline. Ang boses niya ay seryosong seryoso at puno ng otoridad dahilan para tuluyang mapipi si Tobias. Napabuntong hininga na lamang ang binata at dahan dahang hinubad ang kaniyang shirt. Napaingit siya nang bahagya nang sumabit ang tela sa tuyong dugo sa kaniyang likod. Nang makita ni Dra. Santos ang matinding pinsala sa likod ng binata, napailing na lamang ito. "Diyos ko, Tobias. Paano mo natiis 'to nang magdamag? Fresh cuts 'to mula sa glass shards at may severe blunt trauma ka. Kung hindi pa nakita ito ni Caroline, hindi ka pa magpapagamot?" sermon ni Dra. “I was just busy, I—” “Caroline hija,” baling ng Doctor sa kanya. “Yes Doc?” “Ang pagpili ng mapapangasawa, hindi iyan basta basta. Dapat hanapin mo din iyong lalakeng inaalagaan ang sarili. Naku, ayaw kitang mabyuda ng maaga. Tignan mo naman itong fiance’ m
Terakhir Diperbarui : 2026-07-29 Baca selengkapnya