3rd Person’s POV Pareho silang hindi makatingin sa isa’t isa. "Ano Jade? Pwede na ba tayong umalis? Nakita mo naman na si Kael oh. Kanina pa kasi naghihintay sa iyo ‘yan eh, ayaw umalis," na kantyaw ni Tobias mula sa kotse, dahilan para patagong kurotin siya ni Caroline sa tagiliran. “Ano ka ba? Nagmomoment sila eh.” Hindi nanaitago ni Kael ang malapad niyang ngiti dahil sa narinig. Isinuot ni Jade ang bracelet sa kanyang pulso, perpekto ang pagkakalapat niito sa kanyang pulsuhan. Tumingin siya kay Kael at isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi. "S-salamat, Kael," mahinang sabi ni Jade, hindi maitago ang kilig sa kanyang mga mata. "Iingatan ko 'to." "Wala iyon, Jade. Sana, hindi mo ako makalimutan.” Para bang nagsitubo ang iba’t ibang klase ng bulaklak sa puso ng dalaga nang marinig niya iyon. “Mag-ingat kayo sa biyahe, Brad," baling ni Kael kay Tobias sabay nakipag fistbump sa kaibigan. "Babalik kayo rito ah!" "We will, Kael. Take care of the farm," sagot ni T
Última actualización : 2026-07-23 Leer más