3rd Person’s POVMasayang nagsalo salo ang lahat at saglit na nawala sa isip nila ang kalokohang naisip ng nina Tobias at Caroline na doon magpakasal.“Ang sarap talaga ng kalderetang kambing,” papuri ni Papa Carlo, “Iba talaga kapag home grown ang kambing. Mas malasa!”Napangiti si Lolo Lito at tinapik siya sa balikat, “Aba! Mabuti at alam mo ang mga ganong bagay, hijo?” Madaling nilunok ni Carlo ang kinakain niya saka humarap kay Lolo, “May minahan po kasi kami, Tay. Tapos mahilig mag-alok ng pagkain ang mga trabahador ko. Madalas pinagdadala pa nila ako ng mga ulam na separado. Kaya nalalaman ko po talaga yung pagkakaiba ng lasa, lalo na at ibinibida nila sa akin kapag alaga nila ang kinatay.”Tumango tango ang matanda, “Kaya pala, mas masarap talaga kapag ikaw ang nagpalaki. Kung gusto niyo pwede ko kayong dalhin sa kulungan ng mga alaga ko, gusto niyo ba?” alok ng matanda, “Kayo nitong Daddy ni Tobias.”Biglang napatigil si Lincoln na busy sa pagngata ng liempo, “P-Po?”“Tara, ba
Terakhir Diperbarui : 2026-08-03 Baca selengkapnya