3rd Person’s POV Panibagong surpresa ang inihanda ni Tobias para kay Caroline. Dinala niya ang misis sa isang sikat at eksklusibong underground wine cellar sa Paris para sa isang private French wine tasting experience. Ang lugar ay dimly lit, malamig, may mga lumang stone walls, at napapalibutan ng libo-libong mamahalin at antigong bote ng wine. Isang kilalang French sommelier na nagngangalang Pierre ang personal na nag-aasikaso sa kanila para turuan sila ng tamang etiquette at step-by-step process ng wine tasting. "Welcome, Monsieur and Madame Del Fierro," magiliw na bati ni Pierre habang inaayos ang mga lalagyan. "Tonight, I will guide you through the rich flavors of France. Wine tasting is an art, it engages all your senses." Habang nakatayo sila sa tapat ng tasting table, hindi man lang mapakali ang mga kamay ni Tobias. Naka-akbay ito kay Caroline, at maya't maya ay dahan-dahang humahaplos ang kaniyang hinlalaki sa hubad na balikat ng misis. "First, we observe the color and c
Última atualização : 2026-08-13 Ler mais