Caroline’s POV“Pero Toby, kaya ko naman, eh!” pilit kong pagkumbinsi. “Pwede namang bawasan lang ang workload ko—”“My decision is final, baby,” giit niya. “Pero kung gusto mo, pwede mong ituloy ang pag-train sa bagong secretary para unti-unti kang makapagpaalam sa trabaho mo. Para may closure, especially with your friends in the office.”I felt my heart sank. Nanlulumo at sobrang nasaktan ako. Ang pagiging secretary ko, ang trabahong naging tulay para makilala at mahalin ko siya… unti-unti nang kinukuha sa akin.Natahimik ako at natulala. Tumayo siya, lumapit sa pwesto ko, at lumuhod sa tabi ng upuan ko. Hinawakan niya ang baba ko at sinalubong ang mga tingin ko.“Hey... look at me, my love,” napakalambing niyang usal bago ako hinalikan sa labi, “I just want to take care of you. You’re my wife now, Caroline. My job is to spoil you. Kailangan mong alagaan ang sarili mo. Paano kung mahirapan kang magbuntis dahil sa kakatrabaho mo sa opisina? Please, do this for us?”Hindi ko iyon nais
Last Updated : 2026-08-14 Read more