Gabriel Del Fuego Cortez’s POVIbinagsak ko ang folder sa ibabaw ng aking desk. Humarap ako sa salamin ng opisina at dahan-dahang linuwagan ang aking necktie."Gabriel, nakikinig ka ba?" tanong ni Marco, ang Chief Financial Officer ng Del Fuego Holdings at matalik kong kaibigan, habang nakaupo sa leather couch."Nakahanda na ang mga papeles para sa expansion," sagot ko nang hindi lumilingon sa kaniya."Hindi 'yang damuhong expansion na 'yan ang itinatanong ko," usal ni Marco habang nagpapakawala ng mahinang tawa. "Tungkol kay Alyssa. Tatlong araw na kayong bumalik mula Batangas, pero tuwing bumubukas ang pinto ng opisina mo, para kang tuod na nakatitig sa kaniya. Ano ba talagang nangyayari sa'yo?"Huminga ako nang malalim at humarap sa kaniya. "Wala.""Araw-araw kang nagpapatawag ng hindi naman kailangang meeting para lang makasama siya sa silid. Nagpapabili ka ng kape na siya lang ang pwedeng magdala rito. Gabriel, kilala kita simula pa noong nasa Zurich tayo. Never kang nagkaganito
Terakhir Diperbarui : 2026-09-14 Baca selengkapnya