CHAPTER 43: PLAYING WITH FIREGabriel Del Fuego Cortez’s POVIbinagsak ko ang pormal na audit report sa ibabaw ng mahogany conference table. Ang tunog noon ay umalingawngaw sa buong silid na parang isang putok ng baril sa gitna ng madaling-araw.Nakatayo ako sa kabisera ng Boardroom 1, habang ang labindalawang miyembro ng board of directors, kasama sina Uncle Mateo at Uncle Alfonso, ay pinalilibutan ang mesa. Sa gilid ng silid, nakatayo si Arthur Velasquez—ang Senior Finance Director ng Del Fuego Holdings—na namumutla at nanginginig ang buong katawan sa ilalim ng dalawang armadong guards mula sa kumpanya."Anong ibig sabihin nito, Gabriel?!" sigaw ni Uncle Mateo habang tumatayo sa kaniyang upuan, ang kaniyang mukha ay namumula sa matinding galit. "You are accusing my top finance director of stealing three hundred million pesos from the Singapore account?"Tinitigan ko si Mateo nang may malamig, walang-awa, at matatag na paningin."I am not accusing him, Uncle Mateo," baritono kong sag
Última actualización : 2026-09-15 Leer más