I am staring at nothing. Katatapos lamang ng isang mahaba at nakapapagod na lunch meeting kasama ang mga Corsellian representatives. Nasa labas ako ngayon ng restawran, tahimik na lumalagok ng alak habang sinasalubong ang malamig na simoy ng hangin.I am still thinking of everything. Hindi pa rin kasi ako tuluyang nalilinawan sa desisyong gusto kong piliin. Ang daming tanong, ang daming takot, at ang daming pilit na gumugulo sa isip ko."You're too occupied," ani isang pamilyar na boses mula sa gilid ko.Bumaling ako at nakita ang bago kong manager, si Ryker. Nakasuot ito ng kaswal na damit na halos magmukha siyang boy-next-door. Ang lalaking ito, sa totoo lang, ay walang bahid ng pagiging isang tipikal na manager kundi isang sikat na celebrity. Sa kaniyang itsura, tindig, at sa paraan ng pagdadala sa sarili, madalas ko tuloy maitanong kung bakit ganitong propesyon ang pinili niya."I know I am handsome, Eve," he smirked, looking at me with intensely teasing eyes.Umikot ang mata ko.
Last Updated : 2026-11-06 Read more