MEGANMabilis na lumipas ang mga sandali at oras na ng uwian. Mabilis kong iniligpit ang mga gamit ko at pinatay ang computer."Sigurado ka na ba diyan sa Jake mo, girl?" biglang tanong ni Rica habang nagre-retouch sa kanyang sarili."Hoy, hindi naman nanliligaw 'yong tao, eh." Pairap kong sagot.Napatingin siya sa akin mula sa maliit niyang salamin at napangisi. "Hay naku, alam ko na alam mo na intresado siya sa 'yo. O ano, don't tell me, gusto mo na rin siya. So, you mean, ayaw mo na kay sir Brix?"Saglit akong natahimik. Ayaw ko na ba kay Brix? Napabuntong-hininga ako at muling inayos ang mga gamit ko sa loob ng bag, kunwari mas interesado ako roon kaysa sa tanong niya. "Don't ask me such silly question, Rica.""Nope. I'm serious, girl." Napahinto siya sa pagre-retouch at tumingin sa akin. "Ang sinasabi ko lang naman sa 'yo, just follow your heart. Kung si Brix, eh di siya, go for it. Kung si Jake naman, wala din namang problema but make sure na may nararamdaman ka talaga sa kanya
Last Updated : 2026-10-02 Read more