MEGANNagdaan pa ang mga araw at nakalabas na rin si Nanay ng ospital. Pero sabi ng doktor, maselan pa rin ang kalagayan niya. Anytime, pwede pa ring bumalik ang emotional breakdown niya lalo na kung may mga masasakit na bagay na makakapagpaalala sa kanya.Isang umaga, habang nasa sa office desk ako, bigla akong pinapatawag ng manager namin. Hindi ko maiwasang kabahan dahil baka may nagawa akong pagkakamali."Good morning, Ma'am," magalang kong bati nang makapasok ako sa opisina niya.Tumango lang si Mrs. Reyes, hindi man lang ngumiti. Well, sanay na kami ni Rica sa kanya, laging seryoso pero hindi naman galit. "Ma'am pinapatawag niyo raw po ako?"Nag-angat siya ng tingin at saka inabot sa akin ang isang pirasong papel. Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang mabasa ang nakasulat, "Notice for Promotion."Promotion?Ako?“Ma'am, ano po ito?” hindi ko napigilang itanong.“Hindi ba malinaw ang nakasulat diyan, Miss Castillo?” malamig niyang sagot. “You're being promoted.”Parang biglang na
Last Updated : 2026-10-22 Read more