LOGINSa edad na 27, hindi pa kailanman nagkaroon ng boyfriend si Megan Castillo, for one reason—takot siyang magmahal at matulad sa nanay niya na iniwan ng tatay niya para sa ibang babae. At kahit lihim siyang nagkagusto noon kay Brix, pinili niyang supilin ang damdaming ‘yon. Samantala, si Brix de Silva naman ay kilala bilang notorious womanizer since college. Ibinuhos niya sa mga babae ang galit niya para sa kanyang ina who cheated his father and abandoned him when he was still a child. Until one mistaken night at the Star Hotel, nagkrus muli ang landas nila ni Megan and together they ended up in bed, sa pag-akalang ito ang ‘birthday gift’ na inihanda ng mga kaibigan niya. Para kay Megan, ang nangyari sa kanila ay isa lang pagkakamali na dapat kalimutan. Pero hindi gano’n kadali ‘yon lalo na nang malaman niyang si Brix pala ang bagong CEO ng kumpanyang pinapasukan niya. Para naman kay Brix, ang namagitan sa kanila ni Megan ay bahagi lang ng paghihiganti niya sa anak ng taong mas pinili ng ina niya kaysa sa kanila. Habang ipinagpatuloy niya ang planong paiibigin ito, he didn’t realize he was the one falling into his own trap. But what if Megan finds out the truth? That one night mistake was never a mistake, but was done on purpose? Magkaroon pa kaya ng puwang sa puso niya ang pagmamahal? O sisirain din niya si Brix gaya ng pagsira ng ina nito sa pamilya niya?
View MoreMEGAN
Pasalampak akong humiga sa kama ng room ng Star Hotel, matapos kong dumalo sa Job Promotion Party ng kaibigan kong si Rica. Dito rin naman ginanap ang celebration kaya naisipan ko na lamang na mag-book ng room kaysa umuwi pa ako ng bahay. Medyo lasing na rin ako at ‘di na safe bum’yaheng mag-isa, baka mapagtripan pa ako ng mga masasamang tao sa daan.
Matutulog na sana ako nang biglang bumukas ang p***o ng kwarto. Hindi ko pala iyon na-lock dahil sobrang antok na talaga ako. Isang matangkad na lalaki ang biglang pumasok, wearing mint green polo shirt and dark jeans. Sa isang iglap, nanlamig ang buong katawan ko sa takot. Parang nawala lahat ng tama ng alak sa sistema ko, at napabangon ako sa kama. “Who are you? Bakit ka pumasok dito?” Nagsimula ng manginig ang buo kong katawan dahil naisip ko baka may iba pang kasamahan ang lalaking ito. I tried to reach for my phone, pero pucha! Lowbat ako."Hey relax," wika ng lalaki. Napatingin ako sa kanya at akmang sisigaw na ako nang mamukhaan ko siya.
“Ikaw?” Napakurap ako ng ilang ulit just to make sure na hindi ako nagkamali. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko nang matiyak kong siya talaga yon—si Brix de Silva, the certified womanizer back in college. Tumingin naman siya sa akin at tumitig sa mukha ko before his eyes drifted down to my flaunting cleavage. Nagtagal ng ilang segundo ang mga mata niya roon na para bang may nakitang kanais-nais na tanawin. I suddenly felt my cheeks heat up when I realized na nakasuot pala ako ng V-neck dress. Jusmiyo! Kaya pala titig na titig dito ang gago. “Megan?” His eyes widened in astonishment. A few seconds of silence took place, parang naumid ang dila ko sa unexpected na pagkikita namin ni Brix. It’s been ten years since we last saw each other pero gano’n pa rin kalakas ang dating niya. Actually, mas appealing siya ngayon than he was, ten years ago. He was my schoolmate back in college at San Beda. First year ako noon while he was in his fourth year. He was my ultimate crush back then and I thought hindi niya ‘yon malalaman but dahil sa lecheng love notes ko na ‘yon na aksidenteng napulot niya, I was exposed at napahiya ako. Nalaman 'yon ng buong campus kaya simula noon naging aloof ako sa kahit sino. Buti na lang din at ahead siya sa akin ng tatlong taon kaya nang grumadweyt siya, saka palang bumalik sa normal ang buhay ko. All I thought hindi na muling magkus ang landas namin, pero nandito siya ngayon kaharap ko.“Oh, it’s nice seeing you again, Megan.” Nakangiting wika ni Brix, looking back straight to my eyes.
Pucha. Nand'yan na naman ang pamatay na mga titig niya. That kind of look na parang may sariling paraan para guluhin ang utak ko. Akala ko ba balewala na sa akin ang presensya niya kahit matagal na 'yon, pero bakit gano'n pa rin kalakas ang epekto niya sa akin? “So, you’re the birthday gift my friends sent to me, huh?” Muli niyang sabi at dahan-dahang humakbang palapit sa akin. “A-anong r-regalo ang pinagsasabi mo?” My voice came out shaky as my heart pounded wildly against my chest. “Oh common Megan, cut the act. I’m sure you knew what I mean.” Ngumisi ng nakakaloko si Brix. ‘Yong tipong parang may iniisip na mapanganib. “No! Wala akong alam sa sinasabi mo. Kaya pwede ba, lumabas ka na? Kung hindi, sisigaw ako.” A killer smile once again shown across his face. Hindi pa rin talaga ito nagbago, confident pa rin ang gago na lahat ng babae nakukuha sa matamis niyang ngiti. “Eh di sumigaw ka, ‘yon kung kaya mong gumawa ng gulo rito.” Saglit akong natahimik, at bago pa ako muling makapagsalita, he was already standing right in front of me. Agad kong nalanghap ang magkahalong amoy ng alak at men’s perfume niya na talaga namang nakakawala ng wisyo. Napaatras ako ng napaatras hanggang tuluyang sumandal ang likod ko sa pader. He took another steps toward me, closing the distance between us hanggang sa wala ng natitirang espasyo sa pagitan naming dalawa. “Brix, please...lumabas ka na. Hindi ako ang ‘regalong’ sinasabi mo.” I could barely keep myself steady. Parang anytime, bibigay na ang mga tuhod ko sa sobrang kaba. “Ssh, relax. Hindi naman kita sasaktan eh.” Bulong niya sa tenga ko, at bahagya pang kinagat ‘yon, sending a shiver down my spine. “Paliligayahin lang kita, Megan.” “Brix, please, stop it.” Nanginginig kong sabi sa isang paos na tinig. "Lumabas ka na." “Are you sure? You don’t want me to do this?” Namumungay ang mga mata niya, kasabay ng pagsilay ng nakakalokong ngiti. “Your body says otherwise." Mas lalong ngumisi ang gago. "Alam kong matagal ka ng may gusto sa akin Megan, simula pa noong college. And I guess until now""Napaka-conceited mo naman, Brix. Oo, may gusto ako sa 'yo noon, and that was ten years ago! What made you think na hanggang ngayon gusto pa rin kita?"
Ngumisi lang ang gago, punung-puno ng kumpyansa sa sarili. "Dahil 'yan ang nakikita ko sa mga mata mo, Megan."
Iniwas ko ang tingin sa kanya. Hindi p’wede. Sigaw ng utak ko. I gathered the remaining strength I have bago ako tuluyang madarang sa apoy na taglay ng dakilang womanizer na ito.
Itinulak ko siya palayo, but he never budged—not even an inch. Instead, mas lalo lang niyang isiniksik ang sarili niya sa akin, A sudden jolt of electricity ran through my entire body at para akong na silya-elektrika sa tindi. Damn.Nang tuluyan niya akong halikan, parang bigla na akong na-hypnotize. This tingling sensation seemed to be blocking every logical reasoning I have in mind and anytime soon tuluyan na akong malulunod sa kumunoy ng kanyang karisma.
He locked his grip around my waist, effortlessly lifting me up onto the soft mattress. Tuluyan na akong nawalan ng lakas upang labanan ang matinding sensasyon na bumabalot sa pagitan naming dalawa. Patuloy na sumisigaw ang utak ko na hindi ako dapat magpadaig, pero sa huli natalo pa rin ang isip ko. Naging mabilis ang mga pangyayari at tuluyan ko ng naipagkaloob ang aking sarili sa kanya.MEGANNapakurap ako at pilit na ngumiti. Hindi ko alam kung bakit tila kailangan ko pang isipin nang mabuti ang isasagot ko. Tutal, wala naman akong boyfriend at wala ring masama kung tatanggap ako ng imbitasyon mula sa isang lalaking gustong makilala ako.“That's very thoughtful of you, Alexander. I—”“She's not available.”Muntik akong mapalingon nang marinig ang malamig na boses ni Brix. Alexander chuckled. “Really? May prior commitment ba siya?"“Yes. She does.”“May I know what it is?”Bago pa makasagot si Brix, agad akong sumingit. “Actually, I don't think I have any plans yet, sir.”Napansin ko ang pagkuyom ng kamao niya, halatang hindi niya nagustuhan ang sinasabi ko. Pero wala naman siyang karapatang pagbawalan ako kung sinong idi-date ko.“Then perhaps I can get your number, Megan.” Nakangiting sabi ni Alexander. "Okay lang ba sa 'yo?"“Sure. That would be—”“Megan.”Napalingon ako kay Brix. Diretso ang tingin niya sa akin, at may kung anong babala sa mga mata nito.“Yes, s
MEGANAlas-sais y medya na ng gabi nang tuluyan kong maisara ang huling folder na kailangan kong ayusin para sa meeting ni Brix kinabukasan. Halos buong araw akong nakatutok sa mga dokumento, nag-aasikaso ng kanyang mga appointment, at nakikipag-ugnayan sa iba't ibang departamento. Akala ko, pagkatapos ng lahat ng iyon, makakahinga na ako nang maluwag. Pero hindi pa pala kasi kailangan ko pang samahan si Brix sa business dinner niya. “Megan.”Napalingon ako sa may pintuan ng opisina ko.Nakatayo roon si Brix, nakasuot ng charcoal-gray suit na bumagay sa malapad niyang balikat. Bahagyang nakabukas ang unang butones ng puting polo niya, at walang suot na kurbata. Maayos ang pagkakasuklay ng buhok niya, ngunit may ilang hiblang bahagyang nakalaylay sa noo niya na lalo lamang nakadagdag sa sex appeal niya. Damn him. Bakit kailangan pa niyang magmukhang gwapo?“Yes, sir?” mahinahon kong sagot.“Are you ready?”Kinuha ko ang bag ko at tumayo. “Yes, sir. Naipadala ko na rin ang confirmation
MEGANPagkalabas ko ng opisina ni Brix, agad akong napabuntong-hininga. Saka pa lang gumaan ang pakiramdam ko. Kanina para akong nakasalang sa apoy kahit malamig naman ang aircon sa loob. Hindi ko maiwasang maapektuhan sa presensya niya. Bwesit.“Gago ka talaga, Brix,” bulong ko habang naglalakad papunta sa opisina ko.Katabi lamang ng executive office ang bago kong workplace. Isa itong medium-sized na silid na may malawak na salaming dingding na naghihiwalay rito sa opisina ni Brix. Mula sa loob, malinaw kong natatanaw ang halos kabuuan ng kanyang opisina—mula sa malaking executive desk, sa mga estanteng puno ng makakapal na folders, hanggang sa malalawak na bintanang nagbibigay-tanaw sa malaking lungsod.Ngunit ang pinakanapansin ko ay ang maliit na pintuan sa gilid ng salaming dingding. Dahil magkadikit lamang ang dalawang opisina, may nakalaang pintuang nagdurugtong sa lugar ko at sa executive office ni Brix. Hindi ko na kailangang lumabas sa main door para puntahan siya sa tuwing
MEGANHabang papalapit ako sa executive office, mas lalo akong kinakabahan. Pero tama naman si Rica. Trabaho lang walang personalan. Ilang sandali pa'y nasa harap na ako ng opisina ni Brix.It's just work, Megan. You can do this. Huminga ako ng malalim. Dalawang beses akong kumatok bago marinig ang pamilyar na boses niya.“Come in.”Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at pumasok. Nasa likod siya ng malaking mesa, abala sa pagbabasa ng ilang dokumento. Nakasuot siya ng itim na long-sleeved polo na bahagyang nakatupi ang manggas hanggang siko. Bahagyang nakayuko ang ulo niya habang may sinusuri sa laptop, kaya hindi niya agad napansin ang pagdating ko.“Good morning, sir.”Nang marinig ang boses ko, agad siyang nag-angat ng tingin. Sandali siyang natigilan bago isinara ang laptop niya. “Miss Castillo,” aniya, tila sinasadya ang paggamit ng apelyido ko. “You're here.”“Yes, sir. I was instructed by Mrs. Reyes to report to your office today. I'm ready to begin my duties as your persona


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews